Reinier (True Story)  

Posted by Juan Malibog

Reinier (true-story)
By: Henry


Pag-pasendyahan nyo na ang aking magkakasulat di kasi ako magaling sa
mga ganitong bagay. Paumanhin din sa medyo may kahabaan ang kwentong
ito. Kwentong walang halong kalibugan. Kwento ng isang tunay na kaibigan.
Isang udyok marahil kaya ko maiisulat ito. Na SANA, SANA mabasa nya ito
o magbabakasakali ako na may nakakilala sa kanya at maihatid sa kanya
ang aking ninais.



Sisimulan ko ang aking kwento ng magtrabaho ako sa isang International
Company sa Makati noong 1997. 5 months after I graduated sa college
kaya masayang masaya ako sa aking bagong trabaho. Bukod pa sa napaganda
nito at talaga naming maipagmamalaki mo ang pagtratrabaho mo sa company
na ‘to. Pero sa remote warehouse naming sa Parañaque ako na-assign,
kasi nga dapat ang Logistics Support Assistant ay malapit sa kanyang
working environment. At ang reaksyon ng mga barkada ko “Ang Galing mo
naman at nakapagtrabaho ka jan”……..



At dito ko nakilala ang aking ka-officemate ng bading na balang araw ay
may malaking kaugnayan kay Reinier. As the days, weeks, months go by
everything was running smoothly.



Until one day! Nag kakwentuhan kami ni Rudy (ka-officemate kong bading
na di tunay ng pangalan) Sa tuwing sumasakay daw sya ng jeep papasok ng
office ay may nakakasabay syang binatilyo at talaga naming
napaka-gwapo nito. Masaya nyang kwento. Gustong gusto nya nga raw ito makilala. At
di nag laon ay nakilala nya nga ito. Nakakaingit ang mga kwento nya.
At sa tuwing nagkwekwento sya ay hindi ko maiwasang pumasok sa isip ko
na kailangang makilala ko rin sya, hehe! At sa isip isip ko ay mas bata
naman ako kay Rudy. I was like 20 that time at sya naman ay nasa early
30s na ata. Kaya naman medyo mapusok ang aking isipan dala na rin
marahil ng kabataan ko. Kwento ditto, kwento doon. Hay nakakaingit! Dumaan
pa ang mga ilang araw at sa mga araw na `yon ay may mga nakilala ako.
Isa na ditto si William ng sobrang gwapo at Half-British, teka ibang
kwento ang Friend kong ito. Tuloy tayo ke Reinier…..



Halos ang dami ng ginagawa sa office. Anjan na mag balak na akong
magresign kasi walang ginawa kundi ang mag-OT ng mag-OT. Napabayaan ko na
aking personal life, night life, barkada, at pamilya….Hay! Hangbang
subsob kami sa magtratrabaho at OT yun. Di ko namalayan na dalawa na lang
pala kami ni Rudy sa office. At ang 2 guard sa labas ng building.
Nagsasagawa ng routine ng mapadaan sya sa aking desk. “Sir, alas onse na
ah? Di ka pa ba uuwi? Sobrang sipag nyo naman” tanong ng guard. Ngiti
lang ang tanging naisagot ko. Habang sumasagot sa e-mails ng mga
counter part ko sa US, Singapore, Malaysia at kung saan saan pa. Ay! Bigla
akong napasigaw sa gulat kasi ba naman biglang may magsalita sa kung
saan. Sa sobrang gulat ko ay napamura ako.. “Pu . . . . Rudy, kaw lang
pala ginulat mo naman ako..” ang nasambit ko. “Di ka ba uuwi?”
tanong nya. “Hindi pa, kailangang tapusin ko to at padating ng kasi ang
mga parts bukas or mamaya pala *sabayngiti*. “Order tayo? Gutom na
ako, eh! Bangit ni Rudy. Sama mo narin ako! Sabi ko. Hintay ng aming
inorder ay narinig kong may kausap sya sa phone. Tama ang aking hinala si
Reinier nga ang kausap nya. Sa isip-isip ko ay kailangang makilala ko na
tong taong to. What Henry want, Henry gets ang pumasok sa isip ko. At
habang kumakain kami ni Rudy ng aming inorder, syempre kwento naman
sya. Ingit as usual. Maya mya ay nagpaalam nang umuwi si Rudy. At ako
naiwan sa office na subsob pa rin sa trabaho. Nakaramdam na ako ng pag
kapagoa at pag kanis ng maisipan kong eri-dial ang phone na ginamit ni Rudy
pag tawag kay Reinier. . . .





Ito my my eagerness na makilala ang taong ito. I press re-dial key and
there it was it rang. And a very boyish voice answered. “Hello?” he
said. “Hi, good evening. I’m James (iniba ko name ko) Someone gave
your number to me. Can I make friends with you?” sabi ko. “Okay,
lang” ang tanging naisagot nya. So to make the story short.
Nakipagkwentuhan na ako. He was so fun to talked. Kwentuhan ng kung anong anong
bagay. Lumaon, I called him at least once a day. Not knowing Rudy na
nagkakausap ng kami. Hanggang isang araw Rudy confronted me kung
kinakausap ko or nakakausap ko si Reineir, with matching katarayan ng konti.
Syempre boku ka na, might as well say the truth. Sinabi ko na rin ang
katotohanan, at sabi ko na gusto ko rin syang makilala at maging kaibigan.
Mula noon ay naging maganda lalo ang samahin naming ni Rudy. Pero di pa
rin kami nagkikita ng personal ni Reinier.



Minsan nag kayayaan ang barkada na bakasyon sa Cavite. At dun nga kami
gumimik. Lunes pauwi at habang nasa byahe ay naisip kong tawagan si
Reinier sa cell nya. Sabi ko na magkita kami ngayon. Pumayag sya at
nagkasundong sa Divisoria mall kami mag kita. Since na malapit lang sya dun.
At para iwas na rin sa abala nya. Sabi ko na page nya ako pag papunta
or andun na sya. Uso pa kasi noon ang pager at ang cellphone ay medyo
may kamahalan pa nun. At low bat na rin ako.



Pagkadating ko ng Divisoria Mall. At dahil nga sa wala akong cell ay
hirap akong makontak sya. Di ako mapalagay. Lumipas ang segondo, minuto,
at oras. Nag decide na kong umuwi ng may nag-page. “Message from
Reinier: Malapit na ko. Kita tayo sa SEGA. Naka black polo at maong pants
ako”. Prior to that sinabi ko na rin sa kanya ang sout ko. Kaya bahala
na kung sino ang unang lalapit at magpapakilala. Lakas ng kaba ko ng
mga oras na yun. Para maibsan naisip kong mag laro muna. Hanap ditto,
hanap dun ng malalaruan. At ayun nakita ko ang gusto kong laruin ang
“Daytona”. Bumili ako ng maraming coins. At habang naglalaro anjan ang
may mga sumingit, makipaglaro at makipag race. Medyo mayabang ang
dating ko kasi lahat sila natatalo. Nang biglang may umupong binatilyo at
nasabing “Race tayo?” Sige ba ang sagot ko at di ko sya pinansin.
Expert mode ang pinili naming. Hala, sarap ng feeling ng nauuna pero
madalas dikit lang ang laban. Malapit na kami at isang lap na lang halos
ang natitirang race nang marinig ko syang magsalita ulit.



“Ang galing mo pala, Henry!” nagulat ako sa sinabi nyang yun.
“Kilala mo ako? Sambit ko habang nagmamaneho. “Reinier” bangit nya.
Punyeta, nawala ang konsentrasyon ko sa mabela at nabunggo ako, bad3p
talo ako. Papatingin ako sa kanya habang naiinis ako sa nangyari.
Punyeta, ulit! Ang nabanggit ng isipan ko. Ang gwapo nga nito. No wonder na
sobra ang pag kabighani ni Rudy sa kanya. 18 ang age nya na pakilala nya
sa akin, un pala 16 lang sya. Anyways, nagdecide kaming kumain. Habang
kumakain ay panay ang sulyap ko sa kanya. Gwapo sa gwapo talaga.



At mula noon ay lagi ng kaming gumigimik. Pumunta sa kung saan saan.
Nandyan ang magpustahan sa Daytona, (na lagi akong talo, or nagpapatalo)
mag billiards, manood ng sine, ang pagpunta naming sa Fashion Café.
(tagal na nga nun, hehe!) Ang saya saya naming nun. At hindi ko naisip or
sumagi man lang sa isip ko ng may mangyari sa amin. He respected me,
so that why I respect him too. Naging magaan ang aming kalooban sa isa`t
isa.



Sa trabaho naman nalipat na ko ng office. Makati assignment na ko nun.
Nalaman ko na ang lahat sa kanya. Naging model-model sya sa sa isang
lugar na kung tawagin nun ay “Ambasador” syempre anong bang ginawa
dun. Tinanggap ko sya, sa kabila ng lahat. Nag-aaway pa minsan-minsan.
iyakan, tawanan atbp normal na Gawain ng magkaibigan. Dalawa lang silang
magkapatid. Ang tatay nya ay nasa amerika nun.



Hanggang sa nalaman ko isang araw na nagsama na sila ni Rudy sa isang
bahay. Na may mangyari na sa kanila. At inamin nya na ang pag-gamit nila
ng shabu. Umiiyak ako ng mga oras na un. Galit, poot, pag sisi at kung
ano ano pa ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Humingi sya ng
tawad pero binawalang bahala ko. Ang tanging huling salita na narinig ko
sa kanya ay “Kala ko ba nanjan ka lagi para sa akin, gaya ng sabi mo
nun?”



Mula ng mga pangyayaring yun ay di ko na sya nagawang kausapin. Umalis
na rin ako ng company at lumipat sa iba. Taong 1999 ng maisipan kong
tumawag sa dati kong company para kamustahin ang mga naging kaibigan ko
dun at si Rudy na rin syempre. Bale wala na sakin ang mga nangyari,
nakarecover na ko at tanggap ko na.



Hanbang nag-kwekwentuhan kami ni Rudy, bigla kong binanggit si Reiner.
And sabi nya matagal na raw na wala sa kanya. Masyado daw matigas ang
ulo ng batang un, nakabuntis daw at nagtatago at kung ano ano pa. Ako
din wala ng kontak sa kanya, mula nung mga pangyayari. May binigay sa
king pager number si Rudy, ditto ko raw makokontak si Reinier. Sinulat ko
pero wala akong balak na tawagan sya. Dahil ayoko na ng sakit ng ulo,
lalo na ang sakit ng kalooban.



Lumipas ulit ang mga panahon. Taong Jan. 2000, new year, new
millennium. At lahat gusto ko bago. Kaya around February of the same year I have
a new job again. Last month ko na sa sa pinapasukan ko. Kaya todo
linis ang ginagawa ko. Na-hire na rin ang papalit sa kin. Kaya sobrang busy
ng mga oras na yun. Habang sa aking paglilinis ay may nagbigay pansin
sa kin. Isang pager number at walang pangalan. So to my curiosity I
page the number. “Message from HP: Good Day, call me here at
840----“. Baka kako kilala ko ang may ari ng number kaya pinatawag ko sya sa
aking office. Hp kasi nickname ko. Bahala na kung sino to sa isip-isip
ko. Mga ilang oras ang lumipas at nag ring ang aking direct line.
“(company name), good afternoon” sambit ko. “hello po, nag page kasi
akin at pinapatwag ako dito sa number na to” salaysay ng nasa kabilang
line. “Sino to?” tanong ko. “Reinier” sagot nya. Sa sobrang
bigla ko ay naibaba ko ang phone at biglang bilis ng tibok ng puso ko. Di
ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun. Gusto ko ulit e-page at
kausapin na sya. Kumustahin sya at kung ano ano pa. Oo, aamin ko sobrang
miss ko sya at sobra ang aking pangungulila. Pero natatakot ako kasi baka
galit sya sa akin, kamuhiaan ako. Dahil iniwan ko sya nung mga time na
yun. At natatakot ako na bigla kong masabi sa kanya ang aking
nararamdaman. Na mahal ko sya (hanggang ngayon)



Sige, its final and made a decision. I gonna talked to him na, once and
for all. Ilang araw na lang at lilipat na ko ng opisina. Hinanap ko
ulit ang pager number. At agad ko naming nakita. Pi-nage ko ulit.
“message from Henry: Reinier, tawag ka ditto 840---- ngayon na, henry to”
lumipas ang ilang oras walang tawag. Page ulit, hanggan sa umuwi na ko
ng 8pm at wala pa rin tawag. 2 araw ang lumipas at wala pa ring tawag.
2 days before my last day sa office, Thursday afternoon ng biglang nag
ring ang direct line ko. Ung papalit na sakin ang sumasagot ng mga
tawag, para makilala na rin sya ng mga client. “Sino yun?” tanong ko.
“Binaba eh!” sambit nya. Ring ulit at sinagot nya, ganun ulit
binababa. Naka 3 tawag ata ng puro ganun. Kaya sa pang apat ako na ang
sumagot “hello, henry here?” bati ko. “kumusta ka na?” banggit ng
nasa kabilang linya. “ Reinier?” “Oo, ako nga” namalayan ko na
lang na tumulo na ang aking mga luha. Kumustahan, kwentuhan, nasa Pedro
Gil daw sya. At nalaman ko rin mula sa kanya na namatay na ang Papa nya
sa America at di nagwang ibalik dito. Niyaya nya akong makipagkita pero
tumanggi ako kasi baka late na ako matapos sa opisina, sa kadahilanang
its my 2nd of the last day ko sa work. Sige, page kita pag next week
para mag meet na tayo, ang sabi ko sa kanya. Walang halong galit mula sa
kanya habang nag uusap kami ng mga sandaling yun.



Lunes sa bago kong work. Pinage ko ulit ang pager number. Pinatawag ko.
At laking gulat ko na ibang tao ang tumawag. “Hi, pinapatawag nyo ko
ditto? Bakit?” sabi ng kausap ko. Boses matanda at bading. “Oo,
kaw ba ang may ari ng pager number na pinage ko?” tanong ko. “Oo,
ako. Bakit?” sagot nya. “May kilala ka bang Reinier?” tanong ko
ulit. “Punyeta talagang bata un! Bakit ano ka ba nya?” usisa ng bading.
“kaibigan po!” sagot ko ulit. “ah, wala na sya dito. At wala
akong paki alam sa damuhong un. Nag paumanhin at nagpaalam nalang ulit ako
ng maayos. Asar, inis, dismaya at kung ano ano pa ang naramdaman ko ng
mga sandaling yun. Pero sa kabila nun gusto ko pa rin syang makausap
at makita.



Tinawagan ko ulit si Rudy. Pero nagulat ako sa sabi ng kaibigan ko.
Naterminate daw, kasi ang nakaw sa opisina, pinang tustus sa bisyo nyang
drugs. At ang alam nila ay na Cebu na naninirahan.



Mula noon at ngayon ay wala ng akong alam kung saan at papano ko pa
mahahanap si Reinier. Sinubukan kong tumanbay ng boung araw at buong lingo
sa Divisoria nagbabakasakaling isang araw magkita kami. Sinubukan ko
rin lakarin ang Rivera street sa divisoria. Baka sakaling makita ko sya
dun. Lahat ginawa ko ang magtwag sa yellow pages-residential, internet,
myspace, friendster, at kung ano ano pa. Lahat na, pero wala pa rin
hanggang ngayon. Ngayon ng mga oras na ngayon.



At ito ulit ako nag babakasakaling mababasa nya to or may nakakakilala
sa kanya. Please, let me know.



Renier Pineda ang full name nya. Taga Soldiers Hills, Las Pinas at may
lola sya sa Rivera St, Divisoria. Nag aral sa isang computer school
(forgot the name) sa recto. Around 21-23yo na siguro sya ngayon. Gwapo,
kamukha daw sya ni Patrick Garcia, sabi nya. Hehe!

Sobrang miss ko na sya at sabihin ang mga bagay na hindi ko nasabi sa
kanya noon.



Umaasa na balang araw magkita kami. In the right time and in the right
place.

0 comments

Recent Video